Monday, August 25, 2008

Anxiety.

May mga bagay bagay sa loob ng ating katawan na namimilit sa atin upang gawin ang mga bagay na minsan hindi natin gusto hanggang sa malaman nating gusto na pala natin ito, nagiging parte na pala ito ng ating buhay at kasama na din pala sa sirkulasyon ng ating katawan.

Nakakapanibago kung iisipin na gawin ang mga bagay na ito.. hindi tayo sanay.. hindi natin feel.. lalong lalo na wala namang sapat na dahilan para gawin natin ito.. Pero kung talagang iisipin at pag-uukulan ng pansin, ang mga bagay na ito pala ay nakakatulong sa atin.. Nakatutulong sa atin upang umunlad, magbago at magkaroon ng sariling pananaw sa buhay.

Bilang isang tao, bilang isang anak, bilang mag-aaral, bilang isang kaibigan, at bilang isang nilalang na ginawa ng Diyos, nasanay ako na maging responsable at mag-alala sa mga bagay na nangyari, nangyayari at mangyayari pa lang.. Bakit kaya ganon?.. Una, bilang isang tao at nilalang na ginawa ng Diyos, nasanay ako na humingi ng tulong Sa Kanya sa mga oras ng pangangailangan, magpasalamat Sa Kanya sa mga masasaya at magagandang pangyayari sa aking buhay, nasanay ako na kausapin Siya sa mga oras na wala akong mahingan ng tulong at sa mga oras na hindi ko maintindihan ang sarili.. Nasanay ako na humingi ng konting yakap Sa Kanya para makaramdam ako ng kakaibang seguridad sa mundo.. Mga bagay bagay na nakaugalian ko.. Pero saan ko ba nakuha ang ganyang kaugalian?.. Bilang isang labing-walong taong gulang na babae, hindi ko pa masasabi na marami na akong napagdaanang mga pagsubok para sabihing sanay na ako sa buhay, hindi ko pa masasabing marami na akong nagawa na kapakipakinabang. Sa katunayan, wala pa siguro yan sa mga gagawin ko pa pagkalipas ng mga taon. Masasabi kong marami pa.. marami pa akong gagawin at magagawa.. Pero saan ko nga nakuha ang ganyang kaugalian?.. In a way, bakit gusto kong malaman??...

Bilang isang tao, masasabi kong hindi ako normal tulad ng iba.. Nasasabi ko lang ito dahil siguro self-centered ako, mas binibgyang pansin ko ang sarili ko kaysa sa iba, mas concern at conscious ako sa sarili ko.. Sabi ko nga multiple ang personality ko.. Pero sabi ng libro, nagiging marami ito dahil na rin sa environment, sa kapaligiran ko.. Siguro nga. Napapansin ko, bilang isang anak, kaklase, mag-aaral, kaibigan, etc iba ako.. Mga bagay na dahil sa environment ko iba ang naipapakita ko.. Pero gusto kong malaman kung sa lahat ng ito.. ano ba talaga ako? sino ba talaga ako?.. na kahit balibaligtarin man ang mundo masasabing ako yun at wala ng iba?.. Sino at ano?...

Bilang isang tao at kaibigan ng sarili kong pagkatao, maraming bagay ang pumapasok sa isipan ko na minsan hindi ko kayang dalhin, mga katanungang hindi ko kayang sagutin. Kung iisipin para na rin siguro akong baliw. Pero nakikita ko pa namang kahit papano normal ako. Yun nga lang siguro iba ako sa lahat. Siyempre lahat naman tayo may kakaibang personalidad, may kakaibang pagkatao, yun nga lang depende sa atin kung paano ito dalhin.. At ako bilang magulong tao, iba-iba ang paraan ko kung paano dalhin ang mga bagay na nagpapabigat sa damdamin ko.

Defense Mechanisms. Marami yan. Siguro lahat niyan nagawa ko na. Hindi lang siguro ako aware. Pero kadalasan nagawa ko na para lang maitago ang lahat ng totoo kong nararamdaman. Reaction formation, Projection, Rationalization, Denial at marami pang iba. Halos lahat. At alam ko lahat ng tao nagawa na yan. May kanya kanya tayong stressor at paraan para maalis ang stressor na yan. At minsan dahil sa masyado na tayong naiistress, nag-aalala na tayo sa mga bagay na nangyari, nangyayari at mangyayari pa lamang. Anxiety in short.

Dati naaalala ko, high school pa lang ako non, hindi ko alam kung ano ba ang salitang anxiety/ anxious, ni hindi ko nga alam kung pano ang tamang pagbigkas niyan eh.. Pero ngayon, bilang isang college student, masasabi kong halos lahat ng araw ko umiikot sa salitang anxiety/ anxious. Bakit ba kasi nabuo pa ang salitang yan?..

Anyway, siguro, holistically, marami ngang mga bagay sa aking buhay na bumubuo sa pagkatao ko. Isa na ang pagiging anxious. Pagiging anxious ko sa role ko sa buhay. Sa pagiging isang anak ng aking mga magulang, pagiging mag-aaral, studyante, kaklase, kapatid, kaibigan, kaaway at marami pa.. Marami pa.. Identity vs. Role Confusion. Sabi nga ni Erikson. Pero hanggang kailan kaya ako mananatili dito sa crisis na ito? Anong gagawin ko para makaalis at makasurvive? Masasabi kong isa ito sa mga stressor ko sa buhay. Pero mahaba pa naman ang lalakbayin ko eh, siguro matutulungan din ako ng oras at panahon.. palagi naman eh.. Sana lang.. Sa totoo lang, siguro nababahala ako na hindi ko maabot ang next stage ni Erikson. Sabi kasi sa book, you can't move on to the next stage whenever you failed to resolve the crisis. Ibig sabihin, di ko pala maabot ang intimacy kung confused pa rin ako sa role ko sa buhay at sa identity ko. Hmmn. Anyway, bata pa naman ako eh.. at sabi ko nga mahaba pa naman ang lalakbayin ko at siguro hindi dapat ako mabahala kung ganon man. Ah ewan ang gulo ko talaga. Sa katunayan, pinipilit kong maging malinaw at maintindihan ng lahat pero parang magulo pa rin. Still reflects my being.

Sa ngayon, nabubuhay ako sa sarili kong prinsipyo sa buhay:
1. I trust everything to God. Hindi dapat ako magpakita ng kahit anong galit Sa Kanya. Alam ko alam niya lahat ng gingawa ko, iniisip ko at nararamdaman ko. Alam niya kung ano ang mga makakabuti sa akin. Alam ko nilalayo niya ako sa mga bagay na makapagdudulot sa akin ng hindi maganda. Wisdom, Knowledge and Strength.. lahat galing Sa Kanya.
2. Magkaroon ng balance na buhay. Balance pagdating sa school, lakwatsa, laro, kaibigan. Balance ang sikreto para mawala ang stress.

Sa ngayon, nagtataka ako kung bakit ang ibang tao, hindi nag-eenjoy sa pag-aaral. Hindi tinatapos ang pag-aaral. Yun iba naman studyante nga pero di naman nag-aaral.. Pano yun? Hindi naapreciate ang pagpunta sa school bukod sa pagkakaroon ng baon.

Para sa akin masasabi kong napakasarap mag-aral. Kahit na isa ito sa mga stressor ng buhay mo. Masaya naman dahil marami kang natutunan. Maraming nalalaman. At napakasaya bilang isang taong maraming alam at maraming experience. Learning is gained through hardwork and experience. Experience enhances your capability to think, to work and to do right - Para sa akin, yan ang learning. Ewan ko na lang sa iba.

Ang tanging sikreto.. BALANCE... sa palagay ko...

Pwede namang maglakwatsa kahit nag-aaral hindi ba? Pwede maglaro ng computer, pwede magsine, mag SM, gumimik.. Pwede naman hindi ba?.. Magboyfriend, maglasing, magyosi at kung anu-ano pa.. Kahit nag-aaral... Para sa akin, pwede as long as nababalance mo at alam mo kung ano talaga ang mga dapat mong gawin at hindi. Mga dapat binibigyang importansya, pinaprioritize..

Basta ang mahalaga you are in lieu with your goal and responsible enough to meet that goal.



--Bibs.
(Back to study-mode)

No comments:

Post a Comment